Heto nanaman ako, tungkol nanaman sa cartoons ang sinusulat ko, pero ang totoo, hindi ito tungkol sa cartoons, tungkol ito sa childhood ko (na tungkol din sa cartoons). pero hindi na action packed ang topic na ito, dahil tungkol ito sa mga cartoons na may morality.
1987 ako pinanganak, from birth hanggang fourth grade, nandito ako sa pilipinas, needless to say, dito nangyari ang childhood ko. Kaya magbabanggit muna ako ng ilang cartoons na tumimo sa damdamin ko at pagkatapos, magbibigay ako ng aking pananaw tungkol sa child hood.
Ano? atat ka na no? eto na:
Cedi. hindi ko makakalimutan ito, tungkol ito sa isang batang maagang naulila, namatay ng maaga ang ama niya at sa pagkakatanda ko, ibinenta siya ng nanay niya kay Kapitan Vitalis, dahil sa hirap ng buhay. Lumaki si Cedi kay kapitan Vitalis, pagbebenta ng gatas ang kinabubuhay nila, si Kapitan ang tiga gatas ng Baka, at si Cedi ang tiga-deliver. naalala ko tuloy yung episode na nagdedeliver pa rin siya ng gatas kahit na nilalagnat siya, umulan pa ng malakas nun, ginaw na ginaw talaga siya, natapon niya yung mga gatas nang hindi sinasadya kaya pag uwi niya, pinalo siya ni Kapitan Vitalis. Sa tuwing may naiipon, naglalakbay sila para hanapin ang ina ni Cedi.
Mga natutunan ni agi:
-Gawa sa gatas ang keso.
-Huwag magdeliver ng gatas pag nilalagnat.
-Hindi nagpapalit ng damit ang mga tao sa cartoons.
Si Mary at ang Lihim na Hardin. May pagka Mystery ito, tungkol naman ito sa isang Orphanage na may misteryosong Hardin, sari-saring mga bata ang nandoon, may matalino, may makulit, may cool, may tanga, may cool na tanga,etc. Kabilang sa mga batang iyon ay si Mary, isang batang babaeng Matigas ang ulo, Malakas ang loob at Matapang.
Mga natutunan ni agi:
-Kailangan ng susi ang pintuang naka lock.
-Pwedeng panlinis ng bintana ang hininga.
-Ayos ang mga batang matigas ang ulo.
Heidi. Para akong laging may birthday pag nanonood nito, dahil napaka saya ng bawat episode, opening pa lang, isang batang nakadapa sa ulap, kumukuyakuyakoy ang paa habang nakangiti at nakapalumbaba, O diba? lulundag ka sa tuwa kahit may problema ka. tiga-gatas din siya ng baka, pero hindi siya katulad ni Cedi, si Cedi, malungkot pero siya, Nakangiti, kulay pink ang pisngi at kulay jolens ang mga mata. pakiramdam ko uulan ng Candy sa tuwing nanonood ako nito.
Mga natutunan ni agi:
-Total opposite niya ang mga reporter sa TV, dahil hindi sila ngumingiti.
-Imposibleng makalakad sa ulap.
-May kayamanan sa dulo ng bahaghari.
-Hindi Imposible ang World Peace.
The Adventures of Huckleberry Finn and Tom Sawyer. Tungkol ito kay Huck, isang batang Lalaking Maloko, Maingay, Matigas ang ulo, pala biro, Masayahin, Maabilidad at kung minsan, tanga. Kasama niya si Tom Sawyer na ang pangarap ay makapaglakbay sa buong mundo, "Humayo ka, Kaibigang Tom Sawyer", sabi ni Huck.
Mga natutunan ni agi:
-Ang multiplication sa tagalog ay "pagpaparami".
-Ang 2X3 ay binabasa sa tagalog ng: Dalawang Tatlo.
-Maniwala sa kapangyarihan ng Pangarap at Imahinasyon.
-Mas malawak ang Appreciation ng mga bata kesa matatanda.
Dahil sa mga cartoons na yan, masasabi kong lumawak kahit konti ang bokabularyo at imahinasyon ng mga bata, bagay na hindi naituturo sa Skwelahan, Ang kakayahan ng mga batang mag appreciate ay nagbibigay sa kanila ng inspirasyon at ideyang gumawa at tumuklas ng mga bagay bagay, Kaya para sakin, napaka critical ng pagkabata, sa tingin ko, dito mo madedevelop ang interes at determinasyon na siya mong gagamitin pag Tumanda ka na. Isipin mo, malilibang ba ang isang matanda kung bibigyan mo siya ng laruang sundalo? ng Sipit sa sampayan? ng Lego? Kahit nga bigyan mo ng Puzzle, hindi matutuwa yun eh. Mas bilib ako sa mga bata kesa matatanda, Ano kaya ang tumatakbo sa isip nila habang bumubuo ng Puzzle? Habang naglalaro ng sipit? Mas malalim sila kesa sa mga cool na teenagers ngayon para sakin. Eh ikaw, Magkwento ka naman, anong meron sa pagkabata mo?
3 comments:
waaahhhhh.....
ang kulet un lng ....
bye,,,.....
wow very filipino.. bravo..perfecto.. pero di ko gets kwento mo ang klayo sa mga kartoons na binannggit mo.. ...pero pwede ka as website developer ha... pwede ka
Nice. Ang cute naman ng mga natutunan mo. XD :)
Post a Comment