Marami nang mga high-tech gadgets ngayon, nakaka-gulat na nga ang mga naiimbento ng tao, magmula sa cellphones hanggang sa computers, mga kotseng explosion proof, mga robot ng AMA na gawa sa kahoy, mga lasers na pantanggal ng bigote ng mga babae, mga lasers na sumusunog ng fats, mga refrigerators na nagsasalita at mga sensor devices na naga-accumulate ng electrical signals galing sa utak at cino-convert ito into programs, hanep! Hindi na talaga magpapa-awat ang talino ng mga tao.
Ang tao ay nabubuhay para mag aral, tandaan natin iyan, dito sa mundong ginagalawan natin, iyan ang dinidikta ng society sa atin, pagkatapos ng 15+ years na pagaaral mula pre-school, elementary, high-school at college ng mga Alphabet, colors, nouns, pronouns, parts of speech, sentence constuction, Biology, Chemistry, Physics, Algebra, Trigonometry, Mechatronics, Integral and Differential calculus, Geometry, blahblablah... (kunwari, nasabi ko lahat) na kailangan mo daw matutunan para magkaroon ng magandang kinabukasan, kailangan mo naman daw mag trabaho pag tapos ka na sa pag aaral, para sakin, ilusyon lang yun, ang buhay studyante at buhay ng worker ay wala naman talagang pinagkaiba as far as source of knowledge ang pag-uusapan, ang classroom ay tatawaging "office", ang recess ay tatatwagin "coffee break", ang class muse ay tatatwaging "secretary" at ang teacher ay tatawaging "boss", ganun lang yun para sakin, wala naman talagang epekto yun sa "kahulugan ng buhay" mo eh, pero malaki ang epekto nito sa "direksyon ng buhay" mo.
Kung iisipin mo, ilusyon lang din ang talinong itinuturo sa atin, pinapabobo lang tayo ng technology, Sabihin mo nga sakin, kailan ka lang ba nabobo sa grammar? diba nung nauso ang barok na texting? (ex: Y d u ktz Me? translation: bakit hindi mo ako nakita?), kailan ka ba natutong mag pa-cute? diba nung nauso lang ang prenster? kitam? pinapabobo lang tayo ng technology. Kaya nga mas maraming "may sense" na tao nung panahon na mahina pa ang impluwensya ng technology eh. Kita mo sina Christopher Columbus, Albert Einstein, Aristotle, Alexander Grahambell, Isaac Newton, Dmitri Mendeleev, William Shakespeare, Sir Arthur Conan doyle, Agatha Christie, Mark Twain, at Nicholas Sparks, hindi man nagsasabi ng "dude", hindi man gumagamit ng GaN2ng KlaSe ng Pgsu2lt dhL wla p nmn cp noOn, hindi man marunong gumamit ng emoticons, hindi man sila cool gaya mo, Napatunayan naman nila na bilog ang mundo, naimbento ang theory of relativity, naexplain ang gravity, nakasulat ng novels, na hanggang ngayon, kahit patay na sila, nararamdaman pa rin natin ang impluwensiya nila.
Naisip ko tuloy: Paano nga kaya kung may technology na nung panahon na yun, at nag kita kita sina Shakespeare, Einstein at Newton sa yahoo! messenger, ano nga kaya ang mangyayari?
Siguro, ganito ang conversation nila:
Einstein: Yow! Dudes, Wazap?
Newton: Uizt, einz, Add mu naman me frenzter u...
Shakespeare: Uu ngA, Basahin u blog me, Romeo and Juliet ang Title. Kmztah na Einztein?
Einstein: E2, okz lnG, my bgO cp, Nokia E=mc2.
Shakespeare: OMG!
Newton: OMG!
Shakespeare: dat 1 wit 2.0 mp Camera?
Newton: and wit 30% less Gravitational pull?
Einstein: Uu...
Shakespeare: OMG!
Newton:OMG!
Einstein: OMG!
Nakakalungkot at nakakatakot no? iyan yata ang kaparusahan ng tao dahil kina Adam and Eve eh, kung iisipin mo, kaya nga ipinag bawal kay Adam and Eve ang pag tikim ng "Fruit of Knowledge" diba? at nang tinukso si eve nung serpent, sabi nito, "you will know everything, you will have power, you will be god yourself", sa tingin ko, pandaraya yun. at eto ata ang ibig sabihin ni satan dun: "You will not know everything, I will take your power as God's greatest creation, and I will be your god"
Yay! Nakakatakot! dinadaya tayo ni pareng Satan gamit ang technology, Binubulag niya tayo sa pagbibigay ng direksyon sa buhay natin, habang ninanakaw niya ang Kahulugan nito.
Kaya ako, eto ang motto ko:
"Hindi baleng walang direksyon ang buhay ko, basta may kahulugan ito"
3 comments:
"Hindi baleng walang direksyon ang buhay ko, basta may kahulugan ito"
----Tama! Tama! TAMA!
O pwde rin: "Di baleng tambay, basta may tinapay!"
Ayan, may sense ba yan?
Waherherher! Ror talaga! But huwait chocolate!
meron pa:
"Oke lang bansot,wag lang supot!"
Mwahyumen!
It agree, rather useful idea
Post a Comment