Titigan niyong mabuti ang sfeling ng “po” niya, May “h” sa dulo katulad ng mga katagang: itoh, sigeh, bruhah kah!, cheh!, Lupit dibah? Yan ata ang trend sa pag Sms ngayong panahon na ito, Tapos na ang panahon ng st2pid, ma2ya, €wan, at ng £uv ü. Pero teka, hindi lang sa Sms, sa pad paper na rin ng mga bata sa school, sa letter of referral sa mga opisina, sa prenster profile, sa yahoo! ID, at ngayon pati sa mga liham!
Pwede poh bang makahingi ng tulong para poh pambili ng pagkain at gamit & uniform naming magkakapatid sa darating na pasukan.. Salamat poh!
Sa liham na ito ko napatunayan na matindi ang pangangailangan ng tao na makisunod sa uso. Ang letter na yan ay ibinigay sa akin habang nakasakay ako sa bus, ng isang batang babae na halata sa itsura ang pagiging dukha at hirap sa buhay, Binigyan din niya ang mga ibang pasahero, sa pagbabakasakaling makahingi nga naman kahit kaunting tulong. Pero bakit kailangan ng “h”?
Hindi ko masasabing hindi seryoso ang bata sa kanyang sinulat, iniisip ko pa nga na baka wala naman talagang ibig sabihin yung “poh” niya at ako lang ang mapanghusga, Seryoso talaga siya at desperadong makahingi ng tulong, walang duda doon. Kung nakapagbigay na nga ako ng tulong sa isang Hip hop at isang Emo sa ibang bansa ng walang kapalit na panghuhusga, Isang batang musmos pa kaya? na sa murang edad pa lang, bitbit niya na ang kanyang anim na kapatid sa bus, tatlo rito ay alagain pa, lahat sila, may bitbit na paninda (back-up plan lang siguro yung envelope na binigay sa amin) habang ipinapamigay nila ang nasabing liham. Wala akong rason para hindi maawa. Hindi ko ipagmamayabang kung nabigyan ko sila ng tulong dahil para sakin, dapat lang iyon (Pero walang puso ko rin namang kinuhanan ng picture yung liham). Pero bakit kailangan ng “h”?
Dahil uso. Hindi ko sinasabing nakikisunod sa uso yung bata, siguro, lahat ng kalaro niya o kaklase niya, ganito magsulat ng po, maaaring naimpluwensyahan lang siya. Dahil nga uso, alam niya siguro na sa ganitong paraan lang maiintindihan at tatanggapin ng mga tao ang liham niya, Iniisip niya siguro na baka cool yung mabigyan niya, tapos hindi maintindihan pag walang “h”, Siya na ang nakisama sa mga cool (Mahiya kayo!)
Kung ikaw, oo ikaw! Kung ikaw ay darating sa punto ng buhay mo na kailangan mong manghingi ng tulong sa pampasaherong bus, lalagyan mo ba ito ng “pliz lng poh” o kaya naman eh, “klAngAn PoH mE ng png2ixn.” Kung seryoso ka na at gusto mong ipaalam sa mga tao ang kalagayan mo, gagamit ka pa ba ng Codename na “Blo0d_x”, “KiRa” at “Li’l Dawg”? Hanggang saan ka aabot para makisunod sa uso?
1 comment:
Eh nuh nmn ngAyon kunG gAn2 mE sUmuLat? Yn anG trEnD ngAun Noh.
pEro nApaiSip Din akO sA pOst na ItO.
gEh poh.
Post a Comment