Kung lalaki ka, Takot kang malaman ng magulang mo na nakabuntis ka.
Kung babae ka, Takot kang malaman ng magulang mo na buntis ka.
Kung bata ka, Takot ka sa Moomoo.
Kung Matanda ka, Takot kang mamatay.
Kung nag-endorse ka ng Nescafe classic, Takot kang mag Milo everyday.
Kung dalaga ka, tiwala ka sa Charmee.
Kung bad ka, Takot ka kay Joker (Arroyo).
Kung ikaw si Joker, Takot ka kay Glomac (Gloria Macapagal).
Iba’t ibang klase ng tao, iba’t iba rin ang Takot, totoong lahat ng tao, may kinatatakutan. Depende sa sitwasiyon, depende sa naranasan, depende sa edad at madalas, depende lang talaga sa tao. Ibig sabihin, hindi natin pwedeng husgahan ang mga tao base lang sa mga takot nila, dahil nga depende lang ang lahat. Sobrang Komplikado ng “depende” na yan.
Ako, marami akong kinatatakutan, SONA ni Glomac, Aircraft safety Videos, Mga rebulto, Mga rebultong may hawak na rebulto, Girlfriend, Principal ng school, Kay Mitra (dahil nung bata ako, tinatakot ako lagi ng mga tito ko na isasako daw ako ni mitra pag lumabas ako ng bahay) at marami pa. Pero ang pinapansin ko sa lahat ng mga takot ko ay ang takot ko sa mga Malalaking insekto!
YAY! Sino ba naman ang hindi matatakot diyan? May buhok, may malagkit na texture, may tusok-tusok, may malaking pak-pak, may malikot na antennae, nakaka kiliting mga paa, malalaking tiyan, matutulis na pangkagat at mababahong amoy, Tae! (shit!) Maisip ko lang yan, hihimatayin talaga ako sa takot eh. Lalo na kung mararamdaman mo yan sa balat mo, kung may dumapo sa noo mong ipis ngayon at lumakad-lakad ng kaunti papunta sa pagitan ng kilay mo, tapos nangitlog sa pilik mata mo, tapos pinalo mo ng kamay mo dahil walang sinelas, tapos nadurog at lumabas ang mga laman loob nito, ano gagawin mo?,YAY! Mas gugustuhin ko nang makinig sa SONA ni glomac, wat da hel? Maganda naman talaga yung sona ah! Kahit halikan ko pa ang nunal niya, walang problema! Basta sisiguraduhin sa akin na hindi ko mararanasan yan sa buong buhay ko.
Noong bata kasi ako, mga grade 1 ata, pagkatapos ng klase, masayang masaya akong naghihintay sa sundo ko, “Life is good”, naisip ko, kaya lang, biniro ata ako ng tadhana, bigla na lang lumitaw ang isang Mariposa (Moth), malaki, may buhok sa leeg at sa antennae, at sa dinami dami ng mga batang nandoon, ako ang dinapuan! Sa Mukha pa! Lecheng “Life is good” yan! Hindi naman ako umiyak, sa halip, pinagpag ko ang nasabing insekto at sa awa ng tadhana, nadurog ang pakpak nito at muntik na akong mabulag. Nung gabing iyon, binangungot ako, nasa loob daw ako ng isang malaking kwarto, nakahubad daw ako, punong puno ng Moth, lahat sila, nasa pader, ceiling at sahig, walang space para maglakad papunta sa malayong pintuan, ang pattern sa pak pak nila ay parang mga mata ng kwago na lahat, nakatitig sa akin, nagsimulang magliparan ang mga Leche, maliban sa mga nasa sahig, dahil sa takot ko, tumakbo daw ako patungo sa pinto, natapakan ko ang mga Leche, habang ang iba ay dumadaplis-daplis sa mukha ko, pinikit ko daw ang mga mata ko para hindi mabulag, pag dating ko sa pinto, natuklasan ko na…
… nakalock
2 comments:
ayan ha? nagcomment na ako. ako pa ata ang unang-una eh. Cheers!
anyways, ibang klase ha? ang lalim mo na mag-isip. tapos, bago-ng bago pa litrato mo dito sa blog. hahahaha
Salamat talaga. parang donation na rin yan pagkatapos niyong mabasa ang walang kwentang post na pinag-isipan ko ng mabuti.
seryoso, ito na ata ang pinaka pinag-isipan kong post. Halos sumabog na ang ulo ko kakaisip nung mga nangyari sakin nung bata pa ako, mabuti na lang, nag Enervon Prime ako, iwas memory gap.
kaya ganun na lang ako nawalan ng gana pagkatapos kong mawitness na walang witness sa discovery ko.
Salamat! Mwahyumen!
Post a Comment