Wednesday, August 29, 2007

Top Ten Commandments of The Philippines

Ang Sampung utos ng mga Pilipino:

1.Bawal Umihi dito. Ito ang first commandment ng mga pinoy para sa mga kapwa pinoy. Ito ay applicable sa lahat ng klase ng pader, sa baranggay, sa likod ng skwelahan (minsan nga, sa harap pa mismo eh), sa mga luma at ginibang bahay, sa garahe, sa ilalim ng overpass, sa mga barbwire na kulay pink at gawa ng MMDA at marami pang iba. Pero hindi yan pwede sa pader ng cr.

2.Bawal Tumae dito. Kung sino man ang lalabag niyan, sigurado akong hirap sa buhay yung taong iyon, tandaan natin na kahit mga squatter, may lugar ng pagtataihan sa kani-kanilang mga bahay.

3.Bawal Magtapon ng Basura dito. Sagrado ang utos na ito, sa sobrang sagrado, ito lang ang commandment na ginawa para labagin. Wala pang pilipinong sumubok na sumunod diyan. Kung meron man, yun yung mga galing ibang bansa at hindi lumaki dito sa pinas. (hinahamon kitang sundin yan).

4.Bayad muna bago baba. Maraming versions yan, “God knows hudas not pay”, “Barya lang po sa Umaga”, “Magbayad ng maaga para hindi maabala”. Pero lahat ng yan, nag papaalala lang na magbayad ang pasahero. Commandment 4 ito dahil sa pampasaherong jeep at bus mo lang ito makikita, wala nito sa Taxi at Fx(na taxi rin)

Image100_1

5.Tubero ###-##-##. Matagal ko nang nakikita yan, sa mga poste ng meralco lang meron niyan, nung una, advertisement lang, pero habang tumatagal, parami ng parami hanggang sa naging reminder, pero ngayon, katulad ng “Danger, keep out” kulay red na rin ang sulat nito, naging utos na.

Utos5_1

6.Post no bill. Natatanging Filipino commandment na Pure English. Kadalasan itong makikita sa mga private schools at kahit kailan, hindi mo ito makikita sa mga public schools dahil sila mismo ang nagpopost ng kung anu-ano sa mga pader nila. Art gallery ata nila yun.

Utos6_1

7.Bawal mag telebabad. Hindi yan madalas makita, kung nababasa mo ito ngayon, may panahon ka para sa internet, malamang may telepono ka sa bahay at hindi mo na kelangang makitawag. Nakikita lang ito ng mga taong walang telepono sa bahay.

8.Bawal magpatae ng aso dito. Hanef! Ngayon ko lang nakita yan. Sa mga piling pili lang na mga lugar yan makikita (rare). Malamang sa mga lugar na maraming nagaalaga ng aso. Pero kung German Shepherd o Siberian Husky ang aso mo, hindi sosyal kung patataihin mo lang sa pader, baka murahin ka lang ni Husky.

Utos8_1


9.No Spitting, Bawal Dumura. Sa MRT at LRT ko lang yan nakikita. Mas madalas itong Makita kesa sa commandment 10. Natatawa ka pa ba? Seryoso, ako hindi na. ganyan na ba talaga kababa ang morality ng mga Pilipino at kailangan nang ipagbawal yan?

Utos9

10.Bawal ang Emo dito. Exclusive commandment na ginawa para lang sa blog ko. Kasama din diyan ang mga Hip-Hop, Posers, at si Lito camo. Pero si April boy, welcome.

2 comments:

Anonymous said...

WOOOOH! Ten Commandments of the Philippines! This is very true. Nice one agistar.

Unknown said...

Para kang tanga. ginamit mo na nga computer ko para mag comment, bat naglagay ka pa ng url? palpak naman.

Kelan ka ulit dadalaw at magbibigay ng dunkin donuts? haymishu. Crush ko yung kapatid mo. ano laban ka?