Saturday, October 27, 2007

Undas Special

65 days na lang, pasko na. marami na ang nagco-countdown at naghahanda sa pagdating ng pasko pero sa tingin ko talaga, since mauuna naman ang Undas kesa pasko, nararapat lang na paghandaan din natin ito. Ano ba talaga kasi ang undas? bakit merong ganun? bakit kelangan nun? Marami ang naniniwalang ang Undas ay araw ng pagaalala sa mga patay, dapat dumalaw sa sementeryo, magsindi ng kandila sa labas ng bahay, magdamit Emo, at kung anu-ano pa.. Pero sa opinyon ko, hindi ganun ang Undas. Para sakin, ang Undas ay pagdiriwang. Oo. Pagdiriwang, masaya dapat tayo sa Undas dahil ipinagdiriwang natin ang Buhay ng mga yumao. Sa madaling salita, inaalala natin ang Buhay ng mga patay at hindi ang mga Patay mismo.

Masarap alalahanin ang buhay ng mga namatay, inaalala natin ang mga ginawa nila, ang mga hindi nila nagawa, ang character nila, Pero dahil nga patay na sila, mas madalas nating naaalala ang Paraan ng pagkamatay nila.

Hindi ko alam pero kakaiba ang Cause of deaths dito sa Pilipinas, Kung sa America, ang mga artistang namamatay ay kadalasang "After 7 years of fighting cancer" dito sa atin, Sapat na ang Malaria, Bangungot, pagkahulog sa building at pagkasagasa para mailagay sa kabaong ang mga Artista. Nakakatuwa ngang isipin na kahit sa Cause of death, cheap tayo.

Sino nga bang hindi nakakaalala kina:

Reyster Langit - Namatay sa Malaria
Siya yung anak nung sikat na reporter at announcer na si Rey Langit, ang alam ko, writer ito, pero documentaries ang sinusulat niya, Habang sumusulat at nag-iimbestiga siya ng documentary tungkol sa Epidemyang galing sa Lamok na kung tawagin ay "Malaria", kinailangan niyang pumunta sa Lugar kung nasaan laganap ang sakit na iyon, kung nagpapakabayani lang siya o sadya lang siyang engot, hindi ko na alam pero pumunta siya doon ng walang safety precaution gayong alam naman niya na mapanganib, imposibleng hindi niya alam.. Suicide siguro ang binabalak niya at sa awa ng Tadhana ay nagtagumpay naman siya.

Rico Yan - Namatay sa Bangungot
Maraming nalungkot sa insidenteng ito, Natawa naman ako. Pano ba naman kasi, bago siya namatay, napanood ko ang pelikula nila ni Claudine Barreto, at dahil crush ko si Claudine noon, nag wish ako na sana mamatay na si Rico, Siguro medyo nasa "joke mood" ang tadhana nung oras nayon kaya kinabukasan, Tepok si Rico.

Willie Ugarte - Nasagasaan
Ito naman yung bulag. Nakakatawa na nakakaawa ang kwento ng pagkamatay nito, Ayon sa kwento, galing daw siya sa isang Bar, lasing na lasing siya kaya nagsama siya ng isang Batang lalaki para itawid siya sa kalsada, nang nasa gitna na sila ng kalsada, iniwan siya nung bata, at dahil nga bulag siya, kahit naramdaman na niya na may rumaragasang 16-wheeler truck,
hindi niya alam kung paano ito iiwasan dahil hindi naman siya nakakakita. Hindi na lang siya gumalaw at hinayaan niya na yung 16-wheeler truck ang umiwas sa kanya pero dahil imposible yun, na roadkill siya na parang pusa.

Ernie Baron - Hindi nakahinga
Akala ko matalino itong taong ito, ni hindi niya inakala na mamamatay siya kapag hindi siya huminga.. tsk.tsk.

Miko Sotto - Nahulog sa Condo
Isa pa to. Hindi na niya kailangan magkasakit o kaya naman eh maaksidente, kaengotan lang sapat na para ikamatay niya, kung paano siya nahulog sa Condo niya, hindi ko na alam, pero sigurado akong alam mo ang pakiramdam ng mahuhulog, hindi ka mahuhulog kung hindi ka lalapit sa lugar na pwede kang mahulog.

Ibang klase. Natatandaan ko pa yung mga namatay na personalities sa America, Car accident, Cardiac arrest, Cancer at Anorexia ang ilan sa mga kadalasang causes of deaths, kailangan nilang magkasakit o maaksidente para mamatay, No match sila kay Rico Yan na kailangan lang matulog para matepok. O kaya naman kay Reyster Langit na nagpakagat sa Lamok. Lalong no match sila kay ka-Ernie, HINDI LANG NAKAHINGA. Ano? laban kayo?

Masaya ang Undas. Nabibigyan tayo ng kaalaman kung paano umiwas sa sakuna at trahedya pero isa lang ang mensaheng binibigay satin ng Undas:

Mamamatay din tayong Lahat. Ansaya diba? Happy Undas Everyone.

Saturday, October 20, 2007

Thou Shall not be Emo

Etong nakaraang linggo, napakarami nang nangyari, Sumabog ang Glorieta, Namigay ng Pera sa Malacanang, nagkaroon ako ng bagong Crush, pero hindi ang mga yan ang paguusapan natin.
Alam mo bang may iba't ibang klase ng tao sa society natin ngayon? Pero hindi ko sila kayang i-enumerate, isa lang kasi ang gusto kong pagdiskitahan ngayon, yung pinakasikat sa society, yung pinaka jologs din, sila yung mga malulungkot at matindi ang perception sa pagiging cool, tinatawag silang mga EMO.



Oo EMO. Sila nga. Kung nakakita ka na ng Shinigami, akala mo lang Shinigami pero EMO yun. mga tao rin sila pero may kakaiba talaga sa kanila, iba ang porma, iba ang attitude, iba ang likes, iba ang dislikes, pero sa sobrang dami at sobrang jologs nila, wala nang naiiba sa kanila, pare-pareho nalang silang mukhang may problema.







Galing sa salitang EMOTIONAL, ang Emo ay yung mga taong sobrang lungkot, masidhi lagi ang kalungkutan nila, kung bakit sila malungkot, hindi ko na alam, siguro, kasama sa porma nila ang pagiging malungkot.. Sila rin yung mga taong kahit may birthday, mukhang magpapakamatay, kahit bagong ligo, Mukhang Cristy Fermin. kahit mainit naka longsleeves.. Lagi silang nakaitim kahit wala namang namatay, mapapagkamalan mo nga silang anino pag mataas ang sikat ng araw eh, Kasama na kasi sa pang araw araw na porma nila ang kulay itim, bukod sa itim na damit at pantalon, itim din ang eyeliner, kyutix, at sapatos nila.. Kung makikipagtaguan sila sa dilim, ang kailangan lang nilang gawin at Pumikit at isara ang bibig. ano kaya ang itsura nila sa loob ng bahay nila?

Nanay: O anak, pakiabot naman yung suka

Emo: I'll strike my heart till it stops bleeding!

Nanay: Ano? kako iabot mo yung suka, magpapaksiw ako.

Emo: My heart is shredded into tiny pieces!

Nanay: E kung batukan kaya kita riyan? ini english mo pa ko pinapaabot ko lang yung suka.

Emo: My life is a never ending nightmare! Nobody Understands me!

Madali lang makilala ang isang Emo, certified Emo ang mga nakita at kakilala mo kung:
- Mukha siyang Balawis o kalaban ni Zaido

- Kulay itim ang Kyutix niya
- Namumula ang mga mata at parang luluwa na, dahil sa pilit na paglalagay ng eyeliner
- Mukhang pugad ng daga ang hairstyle niya
- Napagkamalan mong maong ang balat niya dahil sa sobrang fit ng pantalon niya
- Mukhang nakasinghot ng Zonrox
- Muntik mo na siyang masagasaan dahil gabi
- Naka sapatos siya na pang skateboard pero hindi naman siya marunong nito
- Kasing haba ng daliri niya ang kuko niya
- Naka T shirt ng "My chemical Romance"
- Nakatabi sa Poster ng Mychem
- Nagpipilit na magkuhang iba pero pare-pareho lang sila

Hindi ko matandaan kung kailan pero may nakasabay akong Emo sa Jeep. Pagsakay palang niya, pinipigilan ko nang tumawa, parang napakahirap kasing humanap ng identity dito sa society natin, hindi nila alam, sapat na ang pagpapakatotoo para manatili kang unique habang buhay. Ligaw na Ligaw sa sarili yung Emo na yun, hindi niya malaman kung sasabayan niya yung Hip hop na kanta sa radio o paninindigan ang pagiging Emo, Akala ko nga magsu suicide sa harap ko eh. Sayang. Pero andami kong natutunan sa Jeep na yun, kahit ayokong pansinin, napakahirap maiwasang mapansin yung kakaibang behavior ng mga Emo.

- Lagi silang naka "Angas look", tipong naka singkit ng bahagya yung mata para kunwari, ma Angas, pero hindi pa rin nila maiiwasan ang tawag ng laman, nangangawit din ang nasabing Emo ocassionally, ang hirap yatang i maintain ang "Artificial Singkit" no.

- Lagi silang nakayuko, pampadagdag din sa overall "kakaiba" image nila, pinipilit nilang magmukhang weird sa paingin ng iba pero hindi nila ako maloloko, napakadaling mapansin ng taong nagpapanggap. kung hindi ka natural na kuba, magkaka-stiff neck ka lang kung pipilitin mong yumuko maghapon.

- Lagi rin silang may pasak na earphones, sinasadya nilang lakasan ang volume ng mp3 player nila para mapansin ng iba ang mga klase ng tugtog na pinapakinggan nila, napatunayan ko yan nung magpatugtog ng malakas yung driver, napansin ko na hininaan niya yung volume ng player niya, kung talagang hindi siya nagpapasikat, hindi niya hihinaan yun, baka nga lakasan pa niya eh. pero dahil napansin niya na wala nang makakarinig sa earphone niya dahil nangingibabaw na yung tugtog sa radio ng Jeep, at dahil nagpapasikat lang siya, hininaan niya ito sa volume na kumportable ang tenga niya.

- Maya't maya rin silang gumagawa ng beat sa paa nila, para ipahiwatig sa ibang makakapansin na kunwari ay musician sila, Alam nga naman ng lahat na ang Drums lang ang intrumentong ginagamitan ng paa, kaya kung gagawa sila ng isang steady beat gamit ang paa, magiging 70/30 ang success rate ng judgement ng iba sa kanila. 

Nakakairita talaga ang mga taong nagpupumilit na maging iba, tandaan natin na magkakaiba na tayo. Kailangan lang nating magpakatotoo para mapansin ang kaibahang iyon, Dahil kung gagawa tayo ng character na hindi naman tayo, gagayahin lang ng iba yun at magiging pare-pareho lang kayo, ang masaklap dun, napayaman niyo yung character na kayo lang naman ang gumawa, sana yung character niyo na lang ang pinayaman niyo, mas magiging maimpluwensiya pa kayo at mas titingalain dahil kailan man, walang makakagaya sa inyo, dahil nga kayo lang ang may ganung character.

Ang gulo ko no? dibale, next time aayusin ko.. medyo tinatamad kasi akong gumawa ng post ngayon eh, bakit?


Dahil Tamad ako. Bye. Lolz.

Friday, October 12, 2007

Epidemia 2

"Tay, kain na po, [ubo]" alok ni 24 year old Lukas sa ama niya na sa oras na iyon ay galing sa inuman at lasing na lasing. "Putragis ka, wag moko uutusan ha!" masarap na sagot ni mang Jerry, "nakarami po kami ng naayos na sasakyan ngayon tay, medyo malaki ang kinita ko, eto nga po o at binili ko kayo [ubo] ng paborito niyong bulalo nila aling meding, kain na po" paliwanag ni Lukas na parang walang narinig, "Tanghina mo, pakain mo na lang sa mag-ina mo mo yan, baka sabihin mo, nakikikain ako sa pera mo" ginantihan lang ni Lukas ng ngiti at bahagyang pag ubo ang ama dahil alam naman niya na lasing ito at hindi sinasadya ang mga sinabi. Samantala, lumabas mula sa kwarto ang maganda, mabait at maunawain na asawa ni Lukas, nahihiyang bumati ito kay mang Jerry, "O, tay" agad naman itong hindi pinansin ni mang Jerry sabay sindi ng sigarilyo at punta sa Kwarto. Nagtinginan lang ang mag-asawa, alam nilang hindi na kakain si Mang Jerry kaya sabay na silang pumunta sa hapag kainan. "Aba, special ang ulam ha!" sabi ni Angela. " Oo naman! [ubo] medyo marami kasi kaming naayos na kotse ngayon eh", "Naks naman! sipag ng honey ko ah", pambobola ni Angela "Wahaw! pa honey honey ka pa diyan, dati pulot lang ang tawag mo sakin ah" banat ni Lukas na nagpangiti sa asawa, "che" sagot ni Angela. "Pulot, anong tawag sa bolang mababa ang talbog?" bumanat ng joke si Angela "ano?" tanong ni Lukas, kahit alam niyang korni lagi mag joke si Angela.. "edi Bola-Low" sabay tawa ni Angela.."weeehh corny mo" sabi naman ni Lukas, Wahahaha! Sabay na humalakhak ang mag-asawa at masaya nilang pinagsaluhan ang pinaghirapang hapunan.

Kinabukasan, katulad ng karaniwang umaga ni Lukas, nagpakulo siya ng tubig na pang timpla ng 250 ml na Bonakid para sa kanyang munting supling na si Bulbasaur, joke lang. Jacob ang pinangalan sa sampung buwan na batang lalake na naging bunga ng maagang pagsasama nina Lukas at Angela, itinabi niya ang almusal ni jacob sa unan ni Angela, na noon ay nagising sa pag ubo ni Lukas, "O, inuubo ka? kagabi pa yan ah", "hinde. Ano lang to.. nasamid." sabi ni Lukas. "papasok ka na ba? nag almusal ka na? Yung Fibisco chocomallows na natira ni Jacob kahapon, dalhin mo para kung sakaling gutumin ka, wala pa naman kayong lunch break" malambing na paalala ni Angela sa asawang papasok sa trabaho. " Di nako kumain, late na eh, may atraso pako sa boss ko, tatlong araw nakong late kailangan agahan ko ngayon" sabi naman ni Lukas. paglabas niya ng bahay, nadatnan niyang nageemote ang kanyang ama sa may bangko habang lumalaklak ng San mig Light.

Lukas: O tay, ano nangyari sa inyo? aga aga alak nanaman minumumog niyo.
Mang Jerry: Nak, pasensya na kagabi ha, [singhot] lasing lang ako, di ko na alam mga nasasabi ko.
Lukas: Hokey lang tay, sanayan lang yan, hehe [ubo]
Mang jerry: Alam mo naman kasi, medyo may tampo ako sayo dahil---
Lukas: [ubo] Tay, mamaya na lang tayo mag usap, lagot ako sa boss ko. late nako. sige tay.
Mang Jerry: O siya sige lukas, Mag hingat ka anak.

Nang sandaling yon, pagkaalis ni Lukas, dumating ang bespren ni Mang Jerry na si Mang Agustin.

Agustin: Pre! kamuth-ta tayo diyan?

Medyo may problema sa letter S si Mang Agustin.

Jerry: O pre, halika, inom tayo, San mig light o, may tatlo pa!
Agustin: Putragith yan, aga aga alak agad? game ako diyan!
Jerry: Pre, naikwento ko ba sayo yung tampo ko kay Lukas? [sinok]
Agustin: Thi Lukath? oo thiyempre! paulit ulit na nga eh, yung nagloko thiya tha pagaaral? yung nag athawa ng maaga? ilang betheth mo nang nailabath yang thama ng loob mo na yan eh. wala bang bago?
Jerry: Pre, pinag aral ko sa La salle yan, ginapang ko pampaaral diyan, halos bumuga ako ng apoy para lang matupad ko yung mga pangarap ko sa kanya.. [naiiyak na]
Agustin: La thalle? Taath ng tuition dun ah!
Jerry: oo pre, hindi ko inisip ang hirap ko, dahil mahal na mahal ko yang si Lukas, sabi ko, hindi ko siya itutulad sakin na maagang nag asawa at maaga ding nabiyudo, patatapusin ko siya sa pagaaral, balang araw, iaabot niya sakin ang diploma niya. Nangako pa siya sakin. isang taon na lang eh, nagasawa pa. Huwala rin tuloy nangyari.
Agustin: Alam mo pre, ganyan talaga mga bata ngayon eh, maloko, mabithiyo, maaga nag aathawa, kaya kita mo, konti lang talaga mga umaathentho.

"AGGUSSTIIIN! YYUNNG SSINNASSAINNG MOOO!" sigaw ng naliligong misis ni Mang agustin, si aling cherry.
Agustin: Ponyeta! teka lang pre, nakalimutan ko yung sinasaing ko. maya na lang pre.

Umuwi na ng bahay si Mang Jerry, nadatnan niyang kinakantahan ni Angela si Jacob,

Angela: Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola, ngumiti ka man lang sana, ako'y nasa langit na
Mang Jerry:WAAW! ang ganda pala ng boses mo Angela ha. naks naman. pwede kang senger

Nagulat si Angela sa ama ni Lukas na noon ay nasa matinong pagiisip na,

Angela: O tay, nandiyan pala kayo. Almusal na kayo
Mang Jerry: Oo siyempre, hindi ko pa natitikman yung bulalo na bili ni Lukas kagabi
Angela: Ayan tay, tamang tama, pinainit ko na, hindi nga nag ulam ng marami si Lukas eh, tiniran niya kayo
Mang Jerry: Nak, pasensya na kagabi ha, alam mo naman ang tatay tatayan mo, nawawala sa katinuan pag lasing.

Alam ni mang Jerry na nasaktan niya kagabi ang mga mahal niya sa buhay, pero lingid sa kaalaman nilang mag biyenan ay ang kalagayan ni Lukas, Lumalala ang ubo nito dahil sa trabaho niya sa isang gas station, bukod dito, mayroon pa siyang pangakong tinutupad, na pilit niyang isinisikreto sa kanyang ama at sa kanyang mag ina.

Kinagabihan, pag uwi ni Lukas galing trabaho,

Angela: O anak, andyan na si Daddy mo, The Daddy Returns!
Lukas: Weehh ang corny mo talaga! Hehehe [tumatawa habang pumuputok ang plema]

Nang makapasok sa munting tahanan si Lukas, agad na napansin ni Angela na may mali sa itsura ni Lukas

Angela: O pulot, namumutla ka, tsaka parang pagod na pagod ka ha, san ka ba galing?
Lukas: Anong namumutla? sa ilaw lang yon no. [ubo ng malakas]
Mang Jerry: O hanep sa ubo ha? parang kulog! iinom mo na ng gamot yan nak, may solmux ako dito, pero kumain ka muna
Lukas: Sige tay, kain na tayo. [ubo ubo ubo]

Pagkatapos kumain ng isang buong pamilya kasama si Jacob, wala nang maisip na magandang scene si Agi kaya lumipas na agad ang halos isang buwan, lumala ang ubo ni Lukas, nagpatingin siya kasama ng pamilya niya sa Philippine Lung center at doon nila nalaman ng sabay sabay ang katotohanan na dumurog sa damdamin nilang lahat: May TB si Lukas, kailangan niyang maiconfine agad agad, sinabi ng duktor na ikamamatay niya ang sakit kapag hindi naagapan. "E pucha pano yan? susweldo nako bukas, kung icoconfine ako ngayon, hindi ko makukuha yung sweldo ko." matamlay na panghihinayang ni Lukas. "Gago ka pala eh! mas importante ka kesa sa kikitain mo no" pabulyaw ng nagaalalang asawa. first time niyang narinig magmura si Angela, dahil dito, at dahil alam niyang hindi siya makakalusot sa malasakit ng kanyang pamilya, napilitan na rin siyang pumayag na mag pa confine.

Kinabukasan sa ospital, nakiusap si Lukas na payagan siyang kuhanin ang sahod niya mula sa pinapasukang trabaho, agad namang tumanggi ang kanyang mag ina at ang doktor niya, sa halip na tumanggi ang ama, nagprisinta itong siya na lang ang kukuha ng sweldo ni Lukas para na rin sa pagkain at pambayad sa ospital, "sige tay, paki na lang ho" sabi ni Angela kahit hindi siya ang kausap, "sasabay na rin ako sa inyo, uuwi ako para kumuha ng gamit, dito muna kami ni Jacob, sa tabi ng Daddy niya" dagdag pa ni Angela.. "o siya, lalakad nako, ako na bahalang magpaliwanag sa boss mo tungkol sa nangyari sayo, kakilala ko naman yun eh, si Edgar yun diba? Mabait naman yun eh, pakikiusapan ko na lang." sobrang tamlay ni Lukas, tulala ito at parang walang naririnig, maputla at mahina siya, sumagot na lang siya ng "oo" sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo.

Lumakad na si Mang Jerry kasabay ang mag ina, successful naman si Mang Jerry sa kanyang misyon, ganun din si Angela, hindi siya nagpatalo sa hamon ng buhay, taimtim siyang nagdasal sandali bago bumalik sa ospital, "Diyos ko, kayo na po ang bahala kay Lukas, wag niyo pong hahayaang may mangyari sa kanya, alam ko pong minsan lang siya magsimba pero wag niyo po siyang kukunin samin, mahal po namin siya" pagkatapos magdasal, nagmadali na siyang umalis ng bahay at sa pagmamadali, nasagi niya ang solo picture ni Lukas, nahulog ito at nabasag, tinitigan niya ito, kinabahan siya, alam niyang masamang pangitain iyon, agad siyang sumakay ng taxi at nagmamadaling pumunta sa ospital kasama si Jacob na walang kamalay malay.
Naabutan niya sa entrance si Mang Jerry, nagkatinginan ang dalawa dahil masama rin ang kutob ni mang Jerry, nagmadali silang pumunta sa Kwarto no Lukas, laking gulat nila nang makitang maraming nurse sa loob ng kwarto, pero wala sa kwartong iyon ang pasiyente, Tumakas daw sabi ng isang nurse, hindi nagtagal ay may isang hinihingal at pagod na pagod na estudyanteng naka uniform ng La salle, ang nagabot kay mang jerry ng isang papel na nakabilot at may ribbon, "Tay, [ubo] diploma ko o, diba nangako ako sa inyo?" sabi ng estudyante. Agad na nakilala ni Mang Jerry ang kanyang anak, ubo pa lang, alam na niya na si Lukas iyon, Tuloy tuloy ang daloy ng luha ni Mang Jerry, ni hindi siya nakapagsalita, pati na rin si Angela ay naiyak sa Kabayanihan ni Lukas, pasikreto palang nagaaral si Lukas, hindi niya ito ipinaalam kanino man dahil sa kagustuhang surpresahin ang ama, at dahil na rin sa kagustuhan niyang patunayan sa sarili ang kanyang kakayahan, pero pagkayakap ng ama sa anak, bumagsak ang katawan nito sa sahig na walang buhay, May kumplikasyon na kasi ang sakit ni Lukas, kapag itinodo niya ang kanyang lakas, tuluyang hihina ang katawan niya na mayroong napakalaking posibilidad ng pagkamatay niya. at yun na nga ang nangyari. The end.

Dalawa na ang pinapatay kong characters, una si Melvin, pangalawa ni Lukas, balak ko rin patayin si Jacob, abangan niyo ha.

Wednesday, October 10, 2007

Ipakita mo ang Pet mo

Hindi ako galit sa hayop, ayoko lang na mag alaga nito. Kung mag aalaga man ako, siguro yung mga hindi kumakain at hindi tumatae. ewan ko sa mga pet lovers pero ako, ayoko nang problemahin pa ang tae ng iba, bukod sa tae ko, ayoko nang pakialaman ang tae ng iba, lalo kung sa hayop lang din.

Sabi ko sa sarili ko nung una, mga mayayaman lang ang may karapatang magkaroon ng pet, kasi pag tinignan mo yung presyo ng mga pets ngayon, gaya ng mga nakita ko sa petstore, iisipin mong baka gawa sila sa ginto o kaya, tumatae ng ginto.. kasi sobrang mahal. Kahit ano mangyari, hinding hindi ako bibili ng Aso o kaya pusa na lalagpas sa sampung piso, maliban na lang kung hinostage ang pamilya ko at pinabibili ako ng pet ng mga hostage takers.. at maliban na lang kung pakikinabangan ko ang mga ito tulad ng mga pusang nasa Siopao. Mantakin mo ha, isang hamster dun sa petstore ay nagkakahalagang 40 pesos isa.. Punyeta yan! mas mahal pa sa Episodes 1-50 ng Hamtaro na binili ng classmate ko noon.. naisip ko tuloy, ano yun? lokohan? ano namang gagawin mo sa Hamster na 40 pesos? tititigan mo? papakainin, paliliguan, gugupitan ng kuko at lilinisin ang tae tapos eventually mamamatay rin? Kung gusto mo, Ako na lang ang magbabayad ng 40 pesos sayo, basta papaliguan, papakainin at gugupitan mo rin ako.. may special offer pa, hindi mo na lilinisin ang tae ko, pero kung gusto mo, pwede rin akong bumulwak araw araw para sayo. ayaw mo pa rin? 50 pesos na.

Pero alam mo ba, may mga taong hindi na gumagastos ng malaki para makakuha ng pet ngayon, ayon kasi sa balitang napanood ko, may mga taong ginagawang pet ang:

Daga
Askal
Pusakal
Ipis (huwat da hel?)
butiki
gagamba

Yung Askal at pusakal, medyo maiintindihan ko pa, yung gagamba, mainam din na pangontra sa ibang pesteng insekto, pasado rin sakin. Yung butiki, malamig at makinis ang balat niyan, walang peklat at lalong walang pimples, masarap sigurong himas himasin.. Pwede na rin. Portugese (putragis). kung bakit ba kasi may mga taong mahilig sa pets, sa sobrang hilig, pati ipis, sinisikmura. Pilit ko tuloy iniisip kung ano ang pwedeng mapala sa ipis:

Master: Go Roachy go!
Ipis: hindi gumalaw
Master: Roachy, Sit!
Ipis: hindi gumalaw
Master: Very good! now play dead!
Ipis: ibinuka ang pakpak, lumipad, dumapo sa pisngi ng Master at nangitlog.
Master: (Hinimas yung ipis at yung itlog sabay halik) Im so Proud of you! (tumulo ang luha)

Dear readers,
pasensiya na kayo ha, walang maisip na bagong gimik si Agi eh, pagtiyagaan niyo na muna yang mga latak latak sa isip niya, medyo pressured lang siya ngayon dahil may exam siya bukas (oct. 10, birthday ni Kamote) pasensya na lang ulit.
Nahihiya at humihingi ng pasensya,Charo Santos.

Monday, October 8, 2007

Beyktowri pur Pacman

Sino nga bang hindi nakabalita sa pagkakapanalo ng Pambansang kamao natin? Halos siya na lang ang laman ng balita mapa radio, tv o dyaryo pa yan. Pero sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, mas interesado ako sa ibang bagay na nangyari noong laban niya kesa sa laban niya mismo.

Ang mga ibang pangyayari noog laban ni Pacquiao:
1. Wala raw naitalang krimen nung araw ng laban niya.
2. Pero pagkatapos ng laban, may nagpatayan dahil sa pustahan.
3. Hindi sinasadyang napakinggan ko ang interview sa kanya.
4. Dahil dun, gusto ko siyang sapakin nung nag english na siya. para kasi akong minumura eh.
5. Napansin ko lang naman na kapag nilagyan mo ng bigote si Marvin Agustin, magiging
medyo hawig niya si Pacman.
6. May kapitbahay akong nagsustaflip sa tuwa noong manalo na si Pacman, nagsisigaw at nagtatambling. Ewan. siguro hinostage pamilya niya at palalayain lang pag nanalo si Pacman.
7. Malinis ang kalsada at naging bahagya lang ang traffic.
8. Natutong lumunok ng buhok ang mga nagpapagupit sa barberya na malapit samin, kada
suntok, isang sigaw. Kada sigaw, isang milyong buhok ang nalulunok.
9. Sa tulong ng laban ni Manny at ng anime na Knockout, pati ang mga batang nasa kalye
ngayon ay nagsasapakan narin sa sikmura.
10. Maraming nag blog na tungkol kay Pacquiao.


Anu't ano pa man, May mensahe talaga para sa atin ang laban na iyon, kahit anong pilit ko, hindi maitatanggi na nagkaisa talaga kahit sandali lang ang mga pinoy. Isinantabi natin ang crab mentality at naging masaya tayo para kay Pacman, at para na rin sa buong lahing Pilipino.. Kahit panandalian lang. (note: pinipilit ni agi na PANANDALIAN LANG)

Ito ang nangyari sa interview ni Mel tiangco kay Pacman and his Family kani kanina lang:

Mel: Manny, nasa kabilang linya ang mga anak mo, Hello.. nandyan na ba kayo?
Mga Anak ni Pacman: Hi Hello..blablabla.
Mel: Ano masasabi niyo sa pagkapanalo ng inyong daddy, ano ha?
Mga Anak ni Pacman: Enge pasalubong.
Mel: Ahaha. ano ha? o Manny, ano ha? humihingi ng pasalubong mga anak mo, ano ha?
Manny: Ahahaha, anowng pasalowbung?
Mga Anak ni Pacman: La-ru-aaan.
Manny: anong laruan?
Mel: anong laruan daw, ano ha?
Mga anak ni Pacman: yung Fantastic four!
Manny: Ahh. yung Pantastikk Pur.
Mga Anak ni Manny: Tsaka marvel heroes. bili mo yun.
Mel: Ano yung Marvel heroes, yung Transformers?
Manny: U segi, yong Marbol Herus.

O diba, napakaganda at napakasayang epilogue! Medyo nakakapikon nga lang si Mel, sinabi na ngang Marvel Heroes eh, tinanong pa niya kung transformers. Batukan ko yun eh.

" Barira es a bire strung upunint, yu know? he es bire qweyk tow. yu know? Im heart on da pers, but now im not heart"

-Manny Pacquiao-

*Legends:
Barira = Barrera
es = is
bire = very
strung = strong
upunint = opponent
yu = you
qweyk = quick
tow = too
heart = hurt
pers = first

Friday, October 5, 2007

Epidemia

"Taas ang kamay! Kundi, papuputukan ka namin!", epal ng isang pulis. "opo, susuko na po ako, hindi ko naman po talaga gusto magnakaw eh", malumanay na sagot ng isang binatilyong maitim, payat, may matigas na mukha at magulong pag iisip, "ninakaw niyan yung isang selpon ko" singit ng isa pang binatang malusog, naka gel, at may shades na oakley habang nasa kalagitnaan ng maulan at madilim na gabi sa may mahabang eskinitang malapit sa isang eskwelahan. "Akina yang selpon, bitawan mo yan" sabi ulit ni epal pulis sabay ngingudngod ang ulo ng binatang nakataas ang kamay sa hood ng isang bulok na police vehicle, "Bowlsiyet ka, kabata bata mo nagnanakaw ka" sabi ni epal pulis, "ser, pasensya na po, kailangan ko lang ng pangtuition, pero nakonsensiya na rin po ako, kaya nga nandito ako ngayon eh, kung wala akong konsensya, malamang tinakbo ko na lang tong eskinita na to, palayain nyo a ko ser, may sakit pa po yung mga kapatid ko sa bahay" nagmamakaawang paliwanag ng binatang biktima ng panghuhusga. Ilang sandali lang ay lumabas mula sa police vehicle ang isang pulis na may nanlilisik na mata, malalaki at matitigas na kamao, umaapoy na hininga at kumikintab na ulo dahil kalbo, "Hoy Lopez, ipasok mo na sa loob yan" sabi ni Mr. clean. "opo Sarhento Lucifer!" sabi ni epal pulis o ni Lopez. Automatic na sinunod ni Lopez si Sarhento Lucifer, kahit na medyo naaawa na siya sa kalagayan ng nadakip na binata, "Totoy, sa presinto ka na lang magpaliwanag ha, iuuwi rin kita pag pinalaya ka. ano ba pangalan mo?" "Melvin po ser" kasabay ng pagpapakilala sa sarili ay ang mabilis na pagkaripas ng takbo ni Melvin sa pagaakalang matatakasan niya ang mga pulis.. dahil sa takot at dahil sa pagaalala sa kapatid namay sakit, hindi rin siya nakatakas, bukod sa hindi siya sanay tumakbo, may karamdaman din si Melvin, pero hindi niya ito alam, at sa oras pa na iyon napiling umatake ng karamdaman niyang iyon, nadapa si Melvin at agad na nahabol ni Sarhento Lucifer, pagkadampot sa nadapang binata na animo'y pusang binitbit sa leeg, sinabayan ng demonyong sarhento ng malakas na suntok sa bumbunan ng pusa este.. ni Melvin. Hindi sumigaw kahit matamlay na "ouch" si Melvin, sa halip ay tinitigan lang niya ng masama si sarhento Lucifer kahit na halos mamilipit na siya sa sakit. Ihinagis si melvin sa loob ng police car na parang maruming damit na ihinagis sa labahan, "Mayor, pupunta na kami sa presinto, magkita na lang tayo dun, kami na po bahala sa nagnakaw ng selpon ng anak niyo" sabi ni Sarhento Lucifer. "okay, dats better" sabi ni Mayor sa sarhento, "Lets go, son" sabi sa anak na kumakanta kanta ng "sooowiisaydool, sooowisaydol" habang nakikinig sa ipod nano. Umandar na ang police car, sumunod na rin ang Honda Crv ng Mayor kasama ang cool guy na anak.

Habang nasa kotse sina Mayor, palibhasa may driver sila, nagkwentuhan muna ang mag Ama:
Mayor: Jason anak, bakit naman nanakaw yung ngage qd mo?

Jason: E dad, nagtaka nga rin po ako eh, hindi naman nagnanakaw yun si Melvin eh
Mayor: Baka naman naiinggit sayo, sabi ko naman kasi, wag ka na mag dala ng dala-dalawang selpon, hindi mo naman kailangan yun eh, isa lang ok na. diba?
Jason: But dad, may tinatapos akong game sa ngage qd ko eh, isa pa, pang back-up ko talaga yun kung sakali ngang may magnakaw. what if hindi ko po na-bring yun? edi etong N95 ko ang nadale.
Mayor: Taga saan ba yung Melvin na yun? Kilala mo ba yun?
Jason: Yup dad, he's my friend in my physics class, matalino yun, mabait din kaya lang poor talaga sila kaya siguro nainggit sakin.

Napatitig at napakamot na lang ng ulo ang Mayor sa anak na may halong pagtataka at konting pagkainis.

Samantala, sa loob ng police car:
Lopez: Boy, ayos ka lang diyan?
Melvin: (hindi sumagot, nakatanaw lang sa bintana ng kotse)
Lopez: Sarhento Lu, etong bata pala, may sakit daw mga kapatid niya at kailangan lang niya ng pangtuition kaya siya nagnakaw eh.
Sarhento Lucifer: Ano ngayon? Nagnakaw pa rin siya, masama pa rin yun.
Lopez: pero ser, hindi na nga siya tumakbo diba? sumuko na lang siya, nakonsensiya na rin naman eh.
Sarhento Lucifer: Bowlsheyt! anong hindi tumakbo? e hinabol ko pa nga diba?
Lopez: Hinde, wat i mean ser, nung una. E kaya lang naman siya tumakbo dahil nalaman niyang dadakipin siya at hindi pakakawalan kahit na sumuko naman.. at naisuko naman ang selpon na ninakaw niya diba?
Sarhento Lucifer: Ano ngayon gusto mo? pakawalan natin? e gago ka pala eh, malakas pa yang bata, pwede pa siyang rumaket para satin.

dahil siya naman ang bida dito, sumingit na si Melvin:
Melvin: Ser, parang awa niyo na po, iinom pa ng gamot bunso kong kapatid na na-dengue, iuwi niyo na poko.
Lopez: Naku! Na-dengue kamo? bakit, nasan ba Pey-rents mo?
Melvin: Ser, nasa ibang bansa po sila, yung tatlo ko pong kapatid, may sakit.

Sarhento Lucifer: Aba! Mayaman pala to eh.
Lopez: Panganay ka ba?
Melvin: Pangalawa po.
Lopez: Bale apat kayo magkakapatid?
Melvin: Walo po, tatlo lang yung may sakit, kuya ko, humahanap din ng grasya pambili ng gamot ni bunso, yung iba po, kumakayod, kanya kanya kasi kami ng diskarte pag kinulang sa pang-tuition, kaya ipandadagdag ko sana yung selpon na ninakaw ko kanina, tutal, sabi naman ni Jason, ayaw na daw niya yung selpon nayun, pero nakonsensiya pa rin ako kaya sumuko nako. siguro nga mali yung ginawa ko. A---

Nang sandaling yon, sumakit ulit ang ulo ni Melvin, natigilan siya at hindi nakapag salita sa sobrang sakit. Inalok siya ni Lopez ng Advil at agad niya itong ininom, pero hindi pa rin epektib. "one dose works in just one hour" daw, huuu. leche.

Habang si Lopez naman ay sandaling napatitig kay Melvin at kasabay ng ingay ng trapiko sa gitna ng kalsada ng maynila, hinaplos niya ang ulo ng binata, sabay alis ng tingin.
Nang makarating na sila sa presinto, hindi na kumikilos si Melvin, nakayuko ito habang nakasandal sa upuan ng kotse na parang walang malay, Nang bitbitin siya ni Sarhento Lucifer, parang lantang dahon itong tumiklop sa balikat ng maskuladong Sarhento, nagtaka ang dalawang Pulis, agad nilang inalam kung may senyales pa ng buhay ang bata, sa awa ng diyos, may heartbeat pa rin ito at agad agad na dinala ni lopez si Melvin sa pinaka malapit na Ospital, nag paiwan na si Sarhento Lucifer upang ipaliwanag sa parating na mag ama ang nangyari, ipinaliwanag na rin niya ang problema ng ni Melvin, agad itong naintindihan ng Mayor at ng sintu-sintong anak niya, pero huli na ang lahat.

May Hemophilia pala si Melvin, lubhang nasugatan ang loob ng kanyang bumbunan nang suntukin ito ni Sarhento Lucifer kanina, sa puntong ito, tumagal ng 48 oras si Melvin sa Ospital, at hindi na napigilan ang kaniyang pagkamatay, Nalaman ito ng Kanyang pamilya at ng Mayor.. at sa kagustuhang makatulong ng Mayor sa pumanaw na bayani, pinagamot niya ang tatlong kapatid ni Melvin na may sakit.

Tapos na.

*kung akala mo, sad ending, nagkakamali ka, masaya si Melvin kung nasaan siya ngayon, sa katunayan, nag susustaflip na siya sa tuwa ngayon. Paalam Melvin.

Wednesday, October 3, 2007

Yours truly

Ilang beses ko nang natanong ang sarili ko kung ano ba talaga ang gusto kong gawin sa buhay ko, marami rami na ring mga bagay akong nasubukan pero alam mo ba, na ngayong 2007 lang ako nagsimulang magsulat?
Hiyeph, tama ang hinala mo, kaya walang direksyon ang mga sinasabi ko ay dahil sa kasalukyan kong sinusubukan ang pagsusulat. Ang ibig sabihin lang niyan, nanawa na ako sa nakasanayang paraan ng page-express ng sarili ko, gusto ko namang sumubok ng iba, at yun ay pagsusulat.
Sa ngayon, pormal kong iniintroduce ang sarili ko sa inyo, ibubunyag ko ang mga "Dark Secrets" na pinagdaanan ko bago ako nabaliw at nakaisip na sumulat:


Dark Secret number 1: Drawing.

Sinasabi nila na ang tao ay may kaniya kaniyang hilig, ito ang sakin, pag drawing. Simula pa ng bata ako, ito na ang nakalakihan kong medium ng pageexpress ng sarili ko. Noong Kinder ako hanggang Grade 4, Tadtad ng Bond paper ang bahay namin, mas nageenjoy ako na nagdodrawing sa loob ng bahay kesa maglaro ng Tumbang preso* sa labas, pano ba naman, may top secret strategy ang mga manlalaro ng tumbang preso, binabato nila yung alulod ng taya para mamilipit ito sa sakit at para mabitawan ang binabantayang preso, at kung ikaw ang laging taya gaya ko, mas gugustuhin mo na lang talagang magmongha sa loob ng bahay, kaya ayun, natutunan kong mahalin ang pag do-drawing.

Nung grade 5 naman hanggang second year highschool, nag evolve ang drawing skills ko, hindi na local characters ang dinodrawing ko, sina Spiderman, Batman, Nightwing at mga Marvel heroes naman ang tina-try-hard kong idrawing, dumami lalo ang mga papel na pwedeng pagmulan ng sunog sa bahay dahil ngayon, pati mga kapatid ko, nagdo drawing na rin.

Samantala, nagmature ang pagdrawing ko noong 3rd at 4th year highschool ko, natuto akong magdrawing ng totoong tao, nakatalikod nga lang, sa hindi ko malamang dahilan, mas gusto kong mag drawing ng taong nakatalikod kesa nakaharap, kadalasan kasi, ang mga dinodrawing ko ay yung mga crush ko, inaabuso ko ang pagkakataon sa tuwing nakatalikod sila, kaya ayun. nung 4th year naman, mga teacher ko na ang dino-drawing ko, pero as usual, nakatalikod. P.E teacher, Math teacher, lahat! wala akong pinapalampas, basta tumalikod, hala sige, drawing. Naalala ko nga eh, may kaklase pa ako noon na nagsabi sakin na pag nagdrawing ka daw ng tao at hindi alam nung taong ginuhit mo na ginuhit mo siya, mamamatay daw ang taong yun, at dala ng kaengotan ko, naniwala ako at napilitan akong ipaalam sa teachers na ginuhit ko sila, kaya naman napansin ng iba kong classmate at nakarinig ako ng ilang pambobola. Dito rin sa 4th year HS ako pinalad na maging "Assistant Cartoonist" sa Campus journal namin, sobra talaga akong nag enjoy, nagsisisi nga ako kung bakit nun ko lang naisipan mag audition sa "The Bridge".

Dark Secret number 2: Guitaring.

Oo. aspiring musician din ako. grade five ako nagsimulang humawak ng gitara, "More than words" pa lang ang alam ko gaya ng lahat ng beginner sa school namin, pero dahil sa pagiging usisero at interesado ko sa ibang instrumento gaya ng Drums, iniwan ko panandalian ang pag-gigitara, tutal pinatutugtog na ako sa simbahan namin ng drums sa mga kantang hindi kailangan ng drums nung grade 5 ako, ok na rin yun bilang experience. At tumugtog na rin pala ako sa live audience nung highschool, sa beloved alma matter namin, ng kantang composed ni Ramil at Chris kahit na tatlo lang ata ang audience na niyayabang ko. Masayang masaya ako nun, wala akong pakialam sa critic ng iba, basta ninamnam ko ang lasa ng pageexpress ng sarili through music, kahit tunog lata ang drums ko, kahit kailangan mo pang magconcentrate para marinig ang palo ko, kahit mukha lang akong ulol na nagpapapalo sa drumset, masayang masaya ako nun.

Kung hindi ko naikukwento sa inyo, dito sa musika ako pinaka kumportable, hindi lang halata dahil hindi ako nakapormang Emo at hindi ako mukhang gitarista pero masasabi kong mas malalim ako sa pag-gigitara kesa sa pag do-drawing.

Totoo yan, nung kolehiyo ko lang binalikan ang pag gigitara, Dito ko kasi Nakilala ang ilan sa mga kaibigan kong sina Clarence, Tancuecs at Jay vincent na kapareho kong feeling "guitarian", sa kanila ko natutunan na ang musika ay hindi hobby, ito ay disiplina. Kaya nga noong matigil ako sa pag aaral ng dalawang taon, iginugol ko ang oras ko sa pagtugtog, halos araw araw akong tumutugtog habang malayo kina kaibigang Clarence, Tancuecs at Jay, kasama ko kasi ang banda ko sa ibang bansa, todo practice, todo tugtog, nakatugtog ulit ako sa harap ng live audience, ngayon, marami na! lagpas tatlo na, mga 300+ ata. Yabang ko no? pero totoo yan, sa tingin ko, sa loob ng dalawang taon na yun, nag concentrate lang ako sa music.

Kailangan mo ng matinding disiplina sa sarili para maabot ang maximum na potential mo sa music, hindi ito gaya ng ragnarok na nag lelevel up ka basta't matagal ka ng naglalaro, dahil sa musika, sa tuwing sumusuko ka, uulit ka sa level one. Kaya kaming apat hanggang ngayon, feeling "good in guitaring" pa rin.

At ang
Dark Secret number 3: Writing.
Ayan. ang kapal ng mukha kong angkinin ang verb na "writing" no? nagsimula akong magsulat sa tingin ko nung 3rd year highschool ko, dun kasi ako unang nagka gelpren, siyempre, pag may ka love team ka, lahat ng kakornihan, sisikmurain mo at dahil likas akong baduy at corny, gumagawa ako noon ng kasuklam suklam na Poems na parang State Of the Nation Address ni Glomac, kung buhay pa hanggang ngayon yung mga poems na yun, utang na loob ex gf, paki sunog ang mga ito at huwag mo nang ipaalam sa iba na sumulat ako ng ganun, naniniwala talaga ako na may sumpa yung poem na yun, na pag nabasa ng iba, mamamatay sila sa sobrang baduy at mapupunta sila sa impiyerno dahil sa walang kapatawarang kasalanan na binasa nila.

balik na ulit sa "writing", dito ko pinaka naieexpress ang sarili ko, sa pagsusulat. Nagsimula ang interes ko sa pagsusulat pagtungtong ko sa kolehiyo, ang hirap kasing hindi mapansin ng mga walang kwentang manunulat dito sa pilipinas at dito sa internet, wala nga akong kaalam alam sa pagsusulat pero, alam ko naman kung ano ang nakakaasiwa, nakakadiri at nakakasukang mga uri ng sulatin, kabilang na diyan ay ang:

1. Mga Chain Messages na unang kumalat sa email, tapos sa friendster at diyos ko po! ngayon pati sa Text!
2. Mga Poems na halos pare-pareho ang nilalaman, "she broke my heart", "I fell apart", "im so stupid", "i wish i never let her go" ang ilan sa mga examples nito.
3. Mga barok english ng asian sites, kasama na ang pilipinas.
4. Mga shoutout sa friendster profiles na pa-smart effect lagi.
5. Mga blog na puro kanta lang ang nakapublish.

Dahil sa mga iyan, at dahil na rin sa mga teyorya at pananaw kong nais kong iparating sa ibang tao, tumuloy tuloy ang pagiging interesado ko sa pagsusulat, at hanggang ngayon, sumusulat ako ng mga bagay na wala naman kayong pakialam at tsismis lang halos at wala naman talagang ka kwenta kwenta pero umabot ka sa part na ito at mas nakakagulat, ako ay sumusulat pa rin at ang gulo na ng sinasabi ko at wala nang direksiyon. Punyeta.

Kung ang drawing ay naididisplay, ang music nairerecord, ang pananaw at takbo ng isip naman ay naisusulat.

------------------------------------------------------------------------------------------------
*para sa mga inosente, ang tumbang preso ay laro kung saan may isang taya na magbabantay sa lata o preso habang ang ibang kalaro ay pipilitin itong patumbahin sa pamamagitan ng pagbato ng sinelas sa partikular na distansiya mula sa preso

Saturday, September 29, 2007

Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez.

Hindi na ako nagtataka kung bakit mababa ang tingin ng ibang bansa sa atin pagdating sa Film Industries, ok lang sana kung sa visual effects lang tayo bagsak kaso, pati sa pagiisip ng bago at high quality na kwento at characters, eh kamote tayong mga pilipino. Halimbawa na lang, si kokey na ginaya kay ET, si Lastikman na ginaya kay Elastic man, yung maliit na robot sa Zaido na ginaya sa Robosapien, Si Captain Barbell na bukod sa power, pati storya ni Superman, ginaya. pero kahit ganun, marami ring akong reklamo sa nobela ng ibang bansa.

Sa mga Japanese, Taiwanese at Koreanese (korean) films :


Lamang tayo sa kanila kung pagiisip ng title ang pag uusapan, Nahahalata ang insecurities nila sa pagbibigay ng title sa mga nobela nila, basta wierd ang title, may posibilidad na Japanese, Taiwanese o Korean novel yun, sino nga bang matino ang magbibigay ng titles na:


Attic cat

Meteor Garden

Jewel in the palace

Foxy lady

Love in heaven

Stairway to heaven

Princess hours

Which star are you from?

Emperor of the sea

Yellow handkerchief

Rosy life

All about eve


Sa mga Spanish, Italian at Mexican films:


Minahal na rin nating mga pinoy ang spanish, italian at mexican films, sa sobrang pagmamahal noong late 90's, tina-translate pa natin ang mga opening theme nila sa tagalog


ex:

"Maria mercedes ang pangalan ko, saking pamilya, tumutulong ako, sanay sa hirap at gulo, sanay akong magbanat ng buto"


At hanggang ngayon, meron pa ring mga spanish, italian at mexican novels, ginaya pa nga natin si Marimar eh, Kadalasan, love story ang nobela nila, mali ako, LAHAT ng nobela nila ay tungkol sa pag-ibig, uso diyan ang Kabit, Kapatid sa Ama, Anak sa ibang babae, Anak sa kontrabidang babae. Pero mas natutuwa ako sa mga pangalan ng bida nila, dahil kahit mahaba ang ilan dito, buong buo a rin nilang binibigkas ang pangalan ng characters nila:


Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez: O Juan Rodrigo dela Vega, pakibigay naman ito kay Alejandro Martin


Juan Rodrigo dela Vega: wala si Alejandro Martin, pumunta siya sa bahay ng asawa niya na si Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez


Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez: Pumunta si Alejandro Martin kay Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez?


Juan Rodrigo dela Vega: Oo Maria Kristina Esmeralda Corazon Martinez, pumunta si Alejandro Martin kay Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez.



Hay lentek. kung ikaw yung voice talent, ang swerte mo na kapag si Alejandro Martin lang ang kausap mo.


Kung Jessica Carmelita Francheska la cheska Bernardina Cortez ang ipapangalan ko sa Aso ko na maya't maya mong tatawagin, mas gugustuhin ko nang pangalanan ng Brownie ang magiging anak ko kahit minsan ko lang babanggitin ang pangalan nito.


Sa mga American films:


Ito na ata ang klase ng soap operas na cool sa panahong ito, Lost, Prison Break, Grey's Anatomy, Kyle xy, Smallville at marami pang iba, Magmula sa Originality, Storyline, Humor content, Character making at performance ng mga artista, talagang mahusay ang mga amerikano. Pero kahit na mayaman ang estilo nila, nakakadisappoint pa rin minsan ang lessons na diedepict nila, kasi karamihan ng storya nila, kahit hindi love story (may mystery, action, blablabla), laging nagdedepict ng lust, malice at minsan pati hatred, kaya tuloy dumarami ang discrimination ng mga "cool pinoys" at "nanaykupu pinoys", pero huwat da hel? Kasama na yan sa natural na takbo ng buhay, walang dapat sisihin.



Credits:

Agi would like to thank:

-My Tita and my Lola. (sa pag eenumerate ng mga title ng korean films)
-The 200+ (and counting) na bumibisita sa blog ko, kung alien man kayo at hindi marunong mag type ng comment, salamat pa rin.
-Mga Palpak na Filipino films for the inspiration.
-Warren™ underwear. "who needs viagra when you have warren?"
-Rejoice Reviving for my facial hair. "I deal with dandruff like a man"
-Starbuck's Iced frappe Kamote shake.


Utang na loob, mag comment kayo. kahit "So What?" lang.

Friday, September 14, 2007

Panatang Kaibigan

Alam kong magiging masaya ang pakiramdam ko kapag nagkita ulit kami ng mga kaibigan kong matagal ko nang hindi nakita, pero men, hindi ko inasahang ganoon kasaya. Pagkatapos mo nga namang mamatay ng dalawang taon at mabuhay ulit bilang shiniAgi, siguradong maluluha ka sa tuwa kapag may nag cut class at may nagframe-up sayo para lang makita ka ulit, lalo na't alam mong busy sila at may pasok din kinabukasan.

Para hindi ka maguluhan, kukwento ko na lang ang nangyari:

Once upon a time, Nagkita kami. the end.

.
.
.
.
.
Kakatamad pumindot eh.
.
.
.
.
.
Pero sige na nga, baka mainis ka sakin at gawan moko ng blind item na nakita mokong ka-holding hands ko si Bernardo Bernardo, Kukwento ko na:



May seminar ng Y4IT ang UP sa cinemas 10,11,12 at 13 ng SM west(north) noong nakaraang Sept.13, at dahil aattend ang kaibigan kong si Aiza doon, binalak naming samantalahin ang pagkakataon na magkita, tutal, 2004 pa kami huling nagkita at muntik na nga niya sigurong makalimutan ang pagmumukha ko (Salamat sa mga posters ni epi quizon na nagkalat kung saan-saan) sa sobrang tagal namin hindi nagkita.

Excited na ako nung umaga palang ng sept. 13, hindi pa nga ako masyado nakatulog nung nakaraang gabi dahil nga kakaisip sa mangyayari, sandali lang nasa SM west na ako, parang nag teleport lang, kaya ko nang tiisin ang kahit ano sa araw na iyon dahil alam kong magkikita talaga kami, di nag tagal ay nag text siya sakin na nagcoconfirm na nakarating na rin siya at handa nang makipag kita, excited level 2 na ako, nakarami ako ng experience points kaya tumaas agad hanggang level 53! *KLINGBADING* o ayan, 54 na! makalipas ang isang milyong lakad, dumilim ang paligid, tumugtog sa background ang kantang "Close to you" ng the carpenters:

huway dho bhirds, suhuddehenly aphir?
hevery tahaym, hyu har nihir..

At dahil naubusan na ng hangin yung kumakanta at hindi ko na alam ang susunod na Lyrics, tumigil na rin siya, at si Aiza na lang ang nakita ko, unti unti nang bumabaduy ang imagination ko kaya bumalik na sa normal ang lahat, napasigaw pa siya sa tuwa, at ako naman, walang reaksiyon, ni hindi man lang nagsabi kahit matamlay na "yehey", kahit na ang totoo ay muntik na akong maluha sa tuwa dahil masaya talaga ako at nakita ko siya.Lunch break ng seminar kaya kumain muna sila, lagpas alas dose ata magkasama kami, sa hindi malamang dahilan, nagmumukha akong gagew dahil ako lang ang hindi nagsasalita, kahit marami akong gustong sabihin, nahihiya ako dahil bukod sa crush ko yung barkada niyang babae, eh hindi ko alam ang sasabihin ko, bukod pa don, mahina rin ang boses ko pagdating sa kwentuhan, si Aiza lang makakarinig dahil halos magkadikit kami habang naglalakad, at parang siya lang din ang nakakakita sakin, ShinigAgi talaga ako. Kaya naman naisip ko agad na mandamay, tinext ko agad si kaibigang Ramil, na may klase hanggang alas kwatro, pati na rin si kaibigang Judy, na may duty.
-
-
-
kawawa naman ako, maghapon akong magmumukhang gagew
-
-
-
Bumalik na si Aiza sa seminar, bumalik nanaman ang pakiramdam kong mag-isa, tumambay lang ako sa may food court at nagbilang ng tiles pagkatapos kong umihi at bilangin ang tiles ng C.R. ng SM. sa hindi inaasahang pagkakataon, alas tres midiya pa lang ay tumawag na si Ramil, tinatanong kung nasan ako, tuwang tuwa naman ako, dahil bukod sa hindi ko siya nakita ng approximately 3 years, may kasama na akong magmumukhang gagew.

Naglibot libot muna kami hanggang sa niyaya niya ako sa National Bookstore, na sa hindi ko inaasahang pagkakataon, nakita rin namin ang "pinagtataguan ko laging babae noong highschool dahil crush ko simula grade 5", si kaibigang Ellise. Tuwang tuwa naman ako, ang sarap sumayaw ng "ipacpac mo" sa gitna ng National Bookstore, sa sobrang tuwa ko. Mabuti na lang at bobo ako, hindi ko nalaman na pinlano pala nina Ellise at Ramil ang pagkikita namin, hindi ko nalaman na magkasabwat sila kundi nila inamin sakin, mabuti na lang talaga bobo ako, kung hindi, na spoil ko ang "frame-up" nila sakin.Ayun na ga, masayang masaya ako at tinatamad na ako mag type asdf sadf asdf asdf asdf asd fasd fasd fasd fasdfasd fasdfsa df g dfgh dfgh fgjhfg jgh jhg kj kjljk l et wery tyu g hy j tdgh dt yhdt yj tyj fguy fhj yfu jfgyjft y jgyj f yjfgugfhj yu jfgyujf tyuj fgyu jkfg hj tfyj dgh sdfv drge vd fht yjg hkry um fgb eg ad hwr sghmy uik, dh e fbd ntu m rgn rt jty kmr tb etj rtn.

Natapos na rin ang seminar at nagkita na rin sina Aiza, Ramil at Ellise na matagal na ring hindi nagkita, maagang umuwi si Aiza malayo pa ang uuwian niya, hindi ko sasabihin na sa batanggas siya. habang ako ay kinidnap nila Ramil at Dinala sa UST, balak ata nila akong torture-in dahil sa dami ng malalaking rebultong nakatingin sakin na pinakita nila. Pero nag enjoy ako dahil wala pa sa kalahati ng banyo nila ang classroom namin. At may Fountain pa, kahit umuulan, walang nag nescafe classic samin eh. alas Otso ata kami ng Gabi nakauwi, hindi ko rin sasabihin na may kotse si Ramil.

Dahil sa Adventures ko nung araw na iyon, natutunan ko na meron rin palang nakaalala sakin kahit paano, konti lang pero meron, ok na sakin yun. (parang mga bumabasa ng blog ko, konti lang pero meron, pero konti)

at natuunan ko rin sumulat ng bagong panata:

Panatang Kaibigan,

Iniibig ko ang aking prens,
ang tumanggap sa aking kahibagan,
taga punas ng aking luha,
tinutulungan ako maging malakas,
maligaya at mas maligaya kahit wala
akong pakinabang,
Bilang ganti ay ibibigay ko ang aking tiwala,
lilibre ko sila ng siomai pag nagkita
kami ulit, susunduin ko sila pag may
kotse ako, sisipain ko ang sinumang
umaway sa kanila,
sa pigi, sa hita at sa mukha.

Thursday, September 6, 2007

Langit, Lupa at Impiyerno

Matapos ang 19 na walang kwenta, makasarili at matapobre kong mga posts, sa tingin ko, pwede na akong magbigay ng mga seryosong pananaw at pagkakaintindi ko sa mga bagay bagay, tutal, sa tingin ko, solb at sawa ka na sa mga patawa kong unti-unti nang nagiging korni dahil bukod sa paulit-ulit at recycled mula sa ibang blogs, wala naman talaga kayong natutunan dito sa blog ko.

Seryoso mode: ON


babala sa lahat ng magbabasa nito, wag niyo munang hanapan ang entry na ito ng mga punchlines, naka "seryoso mode" si agi ngayon, gusto niyang maging kapaki-pakinabang ang blog niya sa sarili niya, napipikon na siya sa mga posts na walang kwenta, sa mga posts na tungkol lang sa sarili niya, sa mga posts na puro kagaguhan lang ang naituturo, ang pag-uusapan natin ngayon, ay tungkol sa kahit anong bagay, basta sensitibo at maselan para kay agi, hindi para sayo. Mga Bagay na katulad ng Relihiyon, Pulitika, Pagkatao, Kapangyarihan at pwede rin namang tungkol sa Diyos.


Ang pinili ni Agi dahil ito ang pinaka matimbang sa kanya: Diyos.


Game.


Bago ang lahat, kailangan maunawan mo na naniniwala ako sa Diyos. Oo, basahin mo ulit, NANINIWALA AKO SA DIYOS. mukha lang akong batang walang ka-alam alam pero, marunong din akong magdasal, humingi ng tawad at magsabi ng "praise the lord", at dahil hindi ko sigurado kung anong klaseng tao ka, oo, IKAW! at lahat ng mambabasa ko, kailangan kong i-assume ang worst, which is, HINDI KA NANINIWALA SA DIYOS.


Totoong may Diyos, ayoko na nga sanang pag-usapan ito dahil sobrang sigurado na ako kaya lang, Baka hindi ka pa naniniwala eh, baka umalis ka agad, sayang naman kung ieexplain ko kaagad ang paniniwala ko diba?


ulit.


Totoong may Diyos, kung Jesus christ ang tawag mo sa kaniya, o Buddha, o Allah, o Jose Rizal, o Spaghetti, o Alien, siya yun. siya yung utak na lumikha ng lahat ng hindi gawa at kailan man, ay hindi kayang gawin ng tao, Ex: Pagsikat ng araw, mga alon ng Dagat, Paglubog ng Buwan, Mountain ranges, Ang araw mismo, Ang Dagat mismo, ang Buwan mismo, ang Buong mundo, siya ang may gawa lahat nun. Isipin mo na lang kung papaano umiikot ang earth kahit walang battery, kung bakit sobrang eksakto ng layo nito mula sa Sun, na katulad nga ng sinabi ni Bob ong, kung lilihis ng kahit konting konting konting konting konting konti lang ang earth mula sa eksaktong lugar nito, anlaki laki laki laki laki laki ng magiging epekto nito sa takbo ng natural na buhay natin. Bukod pa doon, isipin mo rin kung bakit kahit anong attempt ng siyensiya (na gawa ng tao), hindi nila maipaliwanag ng eksakto ang nangyayari sa paligid natin, halimbawa, hindi naman talaga 100 degrees celcius ang boiling point ng tubig diba? Kung hindi ka pa rin kumbinsidong may Diyos at gusto mo muna ng milagro bago ka maniwala, Guess huwat? magmimilagro siya sa harapan mo. basahin mo ulit. MAGMIMILAGRO SIYA SA HARAPAN MO. ngayon mismo, NOW NA. Basta ituloy mo lang ang pagbasa.


Hindi mo lang alam pero, araw araw, may milagro, sa sobrang dalas nga na may milagro, hindi mo na ito napapansin, at kung sakaling mapansin mo man, hindi mo ito naa-appreciate.


Kahit anong oras, pwedeng mangyari sa atin ang kahit na ano, kung tinatawanan mo lang ang mga taong biglang napilay, namatay sa malaria, na-dengue at kung akala mo ay exempted ka sa mga pangyayaring iyan dahil nag-iingat ka naman, Mehehehen, nagkakamali ka. nag-iingat din naman si Rico yan diba? bakit siya namatay? bakit hindi na lang namatay yung taong chumap- chop kay Geraldine Palma? mas hindi yun nag-iingat sa ginagawa niya diba? Bakit yung anak ni Rey Langit, namalaria? andami daming squatters na nakatira kung nasaan ang habitat ng lamok pero hindi sila namamatay.


Ang Gulo ata.


Ang punto ko dito, gaano ka kasigurado na magigising ka pa bukas? kung sigurado ka nga bang aabot ka pa bukas. kung mamalaria ka ngayon, at pagkalipas ng tatlong oras, eh, matepok ka, posible yun diba? napanood mo yung Final Destination? ganun. huwala kang tiyak at siguradong kasiguraduhan.


Ngayon, hindi ba milagro na nagising ka kaninang umaga? hindi ba milagro ang wala kang sakit? hindi ba milagro ang buo pa ang pamilya mo? hindi pa ba sapat ang milagrong nakapag-aral ka ng kolehiyo at hindi ka natigil dahil sa sakit? Hindi pa ba milagro na hindi pa namamatay ang parents mo dahil sa kunsumisyong binibigay mo? hindi ba milagro na nakakakain ka ng tatlong beses sa isang araw? na nakakabili ka ng pantalon na "Levi's"? hindi ba milagro na nakahanap ka ng mga kaibigang kamote na hindi nabubulok? Anong milagro pa ba ang hinahanap mo? yung may biglang lalabas na mansanas sa kamay mo? yung may lilipad? hindi milagro yun, kagaguhan yun. Ang diyos na pinapakilala ko, ay hindi gumagawa ng milagrong nonsense, hindi niya milagro yung pagpapaluha ng dugo sa mga rebulto, Hindi siya nag-mimilagro ng walang kasamang pag-ibig, dahil ang milagro, kapag walang kasamang pag-ibig, MAGIC na lang ang tawag. hindi siya nakikipag paligsahan kina David Copperfield, Davil Blaine, at Bearwin Meily, Dakila lahat ng Milagro niya, alagang alaga nga tayo ng mag milagrong galing sa kanya eh, alagang alaga NIYA tayo, lab na lab niya rin tayong lahat, Oo lahat, kasama ka. Kaya lang, hindi natin siya pinapansin. nakakalungkot.


O ano? O ano? naniniwala ka na ba? Kitams? nagmilagro siya sa harap mo.


Tandaan:


God Loves you. Mahal ka ng Diyos. hindi mo kailangan ng cellphone para macontact siya, dasal lang. Kausapin mo siya at sabihin mo na nainiwala ka sa kanya. mag thank you ka na rin dahil napuntahan mo ang blog na ito. ako rin mag te-thank you, sa kanya at sayo.


uulitin ni agi:


God loves you. Mahal ka ng Diyos.